Wednesday 23 October 2013

Text Tax Bill
By: Isabel Charisse DeloSantos Parulan

Ang pakikipag usap ay isa sa mga madalas nating gawin sa ating pang araw-araw na buhay. Sa ngayon ay marami ng paraan upang makipag-usap tayo sa mga taong malayo sa atin, nandyan ang paggamit ng Facebook Chat ,Twitter ,Skype ,Wechat ,Kakaotalk ,Viber ,Yahoo ,selpon at madami pang iba. Isa sa mga madalas gamitin sa pakikipag-usap ay ang pagtetext gamit ang selpon. Sa ating populasyon noong 2012 na umabot ng 94.6 milyon ay mayroong tayong 102 milyong subscriptions na nagsesend ng mensahe na hindi bababa sa 10 kada araw. Ang Pilipinas ay most prolific country in sending SMS messages with tha average mobile phone user sending 600 messages a monthNgunit noong Nobyembre sa nakaraang taon kasabay ng issue sa Sin Tax ay lumabas din ang hindi nawawalang issue sa gobyerno na Text Tax Bill.



Minungkahi ni IMF (International Monetary Fund) Managing Director Christine Legarde noong nandito siya sa Pilipinas na lagyan ng buwis ang Text messaging. Mula sa 1 peso kada message ay dadagdagan ito ng 5 centavos na makakatulong sa badget ng bansa. Ang buwis ay inaasahang tataas mula 20 bilyon to 36 bilyon kada taon kung ito ay mapapatupad. Ito ay hindi na isa batas sapagkat hindi sumang-ayon ang Senado at ang publiko ditto. Isa na dito ay si Chiz Escudero na inakusahan si Legarde na “foreign meddling” at na naniniwalang kailangan ibase ang pagpapataw ng buwis sa kakayahan ng mga nagbabayad nito. Sinabi din nito na ang pagpataw ng buwis sa text messaging at phone call ay isang pang pasanin na papasanin ng mga ordinaryong Pilipino. Ang Malacanang man ay tutol ditto at ipinahayag na hindi na kailangan lagyan ng buwis ang text messaging dahil hindi naman kailangan taasan ang pondo ng gobyerno.

Tuesday 22 October 2013

Republic Act no. 9344
By: Daniel A. Chua

Isa sa mga batas na sumasakop para sa mga menor de edad na  mga Nakapatay, Naabuso, na-api, lumabag sa legal na batas at iba ba. Ibig sabihin nito ay ang mga bata ay dapat ng gumawa nang mga krimen? O isa itong batas na pumoprotekta sa mga menor de edad? Paano ka ba makakasakop sa batas na ito?

Ayon sa Republic Act. 9344 Titolo 7 Chapter 1  Sec. 58 Offence not applicable to children. Eto daw ung mga below 18 years old na mga bata pag gala gala o mga prostitute o mga batang humihithit nang mga illegal na droga tulad nang shabu, marijuana at rugby. Sila ay  mapupunta sa isang tamang counseling para hindi na maulit muli ito
Sin Tax Reform Act
By: Patricia Villamayor


Kung noon pa ipinasa ang Sin Tax Bill, maaring napigilan ang  paglobo ng mga namamatay dahil sa mga alak at sigarilyo . Pero dahil nga sa maraming pagtatalo at usap usapan ng mahabang panahon . Naipasa lamang ito noong nakaraang taon  . Nilagadaan ito ni Pang. Aquino noong ika-20 ng Disyembre 2012 at naging epektibo kamakailang Enero .

Sin Tax Reform 2012 o kilala rin bilang Republic Act. 10351 nakasaad dito ang pagtaas ng presyo ng mga sigarilyo at alak ng maiwasan ang patuloy na pagtangkilik ng masa lalo higit ang kabataan dahil naglalaro lamang ito sa murang halaga .  Sa ilalim ng batas na ito patuloy ang pagdagdag ng buwis sa nasabing produkto tuwing ikalawang taon at ang malilikom na buwis ay 80 porsyente mapupunta sa mga magsasaka at 20 porsyente ay sa mga medical assistance at iba’t-ibang programang pangkalusugan .


Naway panghinayangan ang mag mamamayan sa paglustay ng pera para lang sa pansariling kagustuhan . Walang maidudulot na kagandahan ang pagtangkilik sa panandaliang kasiyahan, tanging kapahamakan lamang sa ating buhay ang ating matatamo .
Batas Republika Blg. 10022 (An act of amending Republic act no 8042)
By: Lester Neal N. De Villa


Tungkulin ng ating pamahalaan ang kaligtasan at mutugunan ang mga pangangailangan ng ating mga  kababayan na naghahanap buhay sa ibang bansa maging ng kanilang mga pamilya, at iyan ay nakapaloob sa Batas Republika Blg. 10022 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Ano nga ba ang nasasaad sa batas na ito? Isinasaad ng  batas na ito na ang ating bansa ay mag papadala lamang ng manggagawa sa mga bansa na may sapat na kakayahan upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at pangangailangan. Binigyang pansin rin ng batas na ito ang usapin ng illegal requitment na kung saan ang sinumang sangkot dito ay maaring makulong ng 12 hanggang 20 taon at may multa na P 1,000,000 hanggang  P 2,000,000. Kaya naman ang sinumang maging biktima nito ay bibigyang ng tulong legal at isasailalim sa witness protection program ng gobyerno. Kabilang rin diyan ang pag eexempt ng ating mga OFW's  sa  travel tax documentary stamp at airport fee. Idagdag na rin riyan ang mga nag apply sa mga legal na agency ay magiging bahagi ng compulsary insurance policy na kung saan ay makatatanggap ng $10,OOO ang kanilang pamilya kung sakaling sila’y mamamatay  at $7,500 kung magkaroon man sila ng malubhang sakit. Ang insurance na ito ay epektibo lamang sa panahon ng pagtatarabaho  ng isang  Pilipino sa ibang bansa.


Ngunit bago pa man na maging isang ganap na batas ito ay may ilang kontrobersiya itong kinaharap. Tulad sa ilang mga ulat na ang batas na ito raw ay pumapabor sa mga regulasyon at probisyon ng mga requitment agency at hindi sa mga ofw. Ayon sa mga bumabatikos sa batas na ito ay kinakinakailangan na pag tuunang pansin ng ating gobyerno ang pagbibigay ng sapat na hanapbuhay sa ating mga kababayan upang mabawasan na ang bilang ng ating mga kababayan na nakikipag sapalaran sa ibang bansa.
Freedom of information law
By: John Carlo S. Gabriel


The House Bill No. 53 or Freedom of Information Bill Act of 2010 (FOI Bill) is an act implementing the right of the people to information on matters of public concern guaranteed under section seven, article threeof the 1987 constitution and the state policy of full public disclosureof all its transactions involving public interest under section twenty eight, article two of the 1987 constitution, and for other purposes. Ito ay nagla-layong ipaalam sa mga mamamayan ng Pilipinas ang mga nangyayareng transaksyon sa loob ng gobyerno. Dahil din sa batas na ito,  magkakaron ng kamalayan ang mga mamamayang Pilipino sa mga nangyayare sa ating gobyerno,  magkakaroon silang kaalaman sa mga ginagawang opisyales ng ating bansa.


Ayon kay Edson Tandoc Jr., isang Fulbright scholar at doctoral candidate sa Missouri School of Journalism, mas mababa daw ang korapsyon sa isang bansa kapag matagal na itong naipatupad sa bansa. “The findings of the study can inform countries without an FOI law—such as the Philippines—of the benefits that come with guaranteeing right to information to its citizens. The study shows that countries with mature FOI laws tend to have much lower corruption levels and higher standards of living than countries with younger laws, or no laws at all,” ani Tandoc.Nangako si President Benigno Aquino III naisasama nya ang FOI Bill pagkatapos ng eleksyon sa 2010, ngunit hindi niya ito nabanggit sa kanyang State Of the Nation Address. Kaya naman pinangunahan ni Atty. Nepo Malaluan ang koalisyon na Right to Know, Right Now (R2KRK), noong July 17, 2013, upang maumpisahang muli ang pagpapatupad at pagsasaayos ng FOI Bill ditto sa Pilipinas. Ngunit hanggang ngayon ay nakabitin pa din oon-hold pa din ang batas na ito dahil na pagtuunan naman ng pansin ng ating pangulo ang nangyare sa Zamboangga.
Cybercrime Prevention Act
By: Toni Cassandra B. Santos

Ang Batas Republika Bilang 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act ng 2012, ay isang batas natumutukoy at nagpaparusasa cybercrime o mga krimeng nagaganap sa pamamagitan ng Internet upang pigilan at iwasan ang pagdaminito.  Nilalayon ng batas na ito na ganap na maiwasan at labanan ang maling paggamit, abuso  at iligal na paggamit ng internet sa pamamagitan ng pagtukoy, pag-iimbestiga at pagsuplong ng kapwa sa lokal o pandaigdigang antas, at sapag bibigay ng maayos na usapan para sa mas mabilis at maaasahang pakikipag-ugnayang pandaigdigan. Ginawa ang batas na itong mga kinatawan sa kongreso na sina Susan Yap (Ikalawang Distrito ng Tarlac), Eric Owen Singson, Jr. (Ikalawang Distrito ng Ilocos Sur), Marcelino Teodoro (Unang Distrito ng Lungsod Marikina) at Juan Edgardo Angara (Nag-iisang Distrito ng Aurora).Pangungunahan ng otoridad,  gaya ng Pambansang Kawanihanng Pagsisiyasat (National Bureau of Investigation o NBI) at ng Pambansang Kapulisan ng Pilipinas (Philippine National Police o PNP), ang pagpapatupad ng mga probisyong nakasaad sa batas na ito.Tutulong ang Kagawaran ng Hustisya sapag-iimbestiga o sa mga susunod na hakbang patungkol sa paglabag na may kinalaman sa sistema o datos ng kompyuter, sa pangongolekta ng ebidensya ng elektronikong paglabag at sa pagtitiyak na nasunod ang lahat ng probisyon ng batas.

Naging kontrobersyal ang batas na ito sa kadahilanang maraming netizens (gumagamit ng internet) ang maaapektuhan. Maraming mga tao ang hindi sumang-ayon ditto sapagkat natatanggalan na tayo nitong karapatan sa pagpapahayag. Hindi rin na linaw sa batas na ito kung ano lamang ang saklaw nito. Mas lumalaki rin ang posibilidad na magkaroon tayo ng kasong libelo dahil sa intenet. Para sa akin, ayo slang din naman ang batas na ito sapagkat dumarami na rin ang mga cyberbully. Ito ay isa ring paraan upang mapangalagaan ang mga pribado nating pagkakakilanlan na nakalagay sa mga social sites dahil lumalaganap ang mga hackers. Sa totoo lang, tila pabaliktad ang nangyayari sa atin sa larangan ng pagpapahayag. Alam n’yo bang idineklarang United Nations na isang karapatang pantao ang kalayaang maipahayag ang sarili sa pamamagitan ng internet. Baligtad na baligtad ito sa gusting ipatupad ng online libel na seksyon ng Cybercrime Law. Kaya sana, sana matauhan ang mga taong may kapangyarihang palitan o rebisahina ng batas sa pamamagitan ng deklarasyong iyan ng UN.




Reproductive Health Bill
By: Veronica T. Villena

  Pro life ka ba? O anti life? Marahil pamilyar sa ating pandinig ang dalawang katanungang ito ngunit,  Ano nga ba ang pinupunto ng tanong na ito o sa medaling salita ano nga ba ang tuna na kahulugan ng kontrobesiyal na Reproductive Health Bill? Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas sa kongreso na naglalayong magbigay ng serbisyong pang reproduktibo para sa lahat. Ipinatutupad nito ang family planning at ang pag-gamit  ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag aagwat ng mga anak. Sinasabing may magandang layunin ang batas na ito, Una nagbibigay ito ng kalayaan sa mga mag-asawa upang makapamili ng planong pang pamilya kung ito ba ay natural o artificial. Ikalawa isasalba nita ang may labing isang babae na namamatay araw-araw dahil sa diperensya sa pagbubuntis. Ikatlo matuturuan ang mga kabataan kung ano ba ang tunay na kahalagahan ng family planning at ang panghuli bababa ang pagdami ng populasyon ng bansa taun-taon.
    

    Sa kabilang dako marami ang tumuligsa sa batas na ito na maraming mamamayan , samahan at  iba pa ang di sang-ayon ditto sinasabi ng mga hindi pabor ditto na natural na birth control lamang ang nararapat na itaguyod at hindi ang artipisyal na pamamaraan. Sinasabi rin nilang ito ay labag s autos ng Diyos sapagkat pumuputol ito ng buhay at lumalason sa batang isipan. Ngunit walang nagawa ang kanilang hinaing dahil pagkatapos ng mahigit isang taong pagdedebate at dalawang linggong amendment period pinirmahan ito n gating pangulo noong Disyembre 21,2012 dahil sa nagging resulta ng botohan na 113 ang sang ayon at 104 ang hindi. Wala ng nagawa ang mga di pabor at nagutos na lamang na magtali ng 1 milyong pulang laso sa buong bansa bilang pagtutol sa RH Bill. Tila isang napaka laking usapin ng bagay na ito ngunit walang magagawa ang pag-aaway at alitan ng bawat mamamayang Pilipino. Sapagkat tayo’y iisa lamang ang lahi, iisa ang bayan mas mainam kung pagaganahin ang pagkakaisa, Kababaang loob at malawak na kaisipan .